A review by matcha4a
Alitaptap sa Gabing Madilim by Lualhati Bautista

4.0

"Koleksiyon ito ng mga tulang hinugot sa mga gabing wala akong magawa; produkto ng matamang pagmumuni-muni, minsan ng kalungkutan o paghihimagsik, minsan ng simpleng... iyon na nga, walang ibang magawa. Ewan ko lang kung napatunayan ko rito na hindi lang ako nobelista kundi makata rin."

Maaaring biased ako sa magiging punto ko rito dahil aminin na natin, LB fan ako. At kahit anong isulat ni Madam Lualhati, talaga namang ginigising ako, iniiwanan ako ng pangaral.

Dito, napatunayan niyang hindi lang siya isang dakilang nobelista kundi isa rin siyang makata. Makatang ina, anak, kapatid, babae, at kaibigan. Tao—na nagmahal, nagmamahal, nasaktan, namatayan, nangarap, naghimagsik, nanindigan. Parang time capsule sa buhay niya ang librong ito. At isang pribilehiyo na maging kabahagi sa mga ala-alang naging kanya sa loob ng ilang dekada.

Ilan sa mga tulang naging paborito ko:

Kontra Demanda
Araw ng mga Puso
Kapag Umibig ka sa Isang Manunulat
Ode to My Mother
Lockdown sa Panahon ng Semana Santa
Death Stalking the Night (at bawat tulang naisulat pa niya pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay)
Minsan Hanggang Ngayon
Babae
Ang Babae sa Kuweba
Kay Pepsi Paloma
Isang Matandang Pulubi sa Kasagsagan ng Bagyo
(Ang Aking) Panatang Makabayan