Scan barcode
A review by billy_ibarra
Macli-ing Dulag: Kalinga Chief: Defender of the Cordillera by Ma. Ceres P. Doyo
emotional
informative
inspiring
sad
fast-paced
5.0
"𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘱𝘳𝘦𝘤𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘯? 𝘓𝘪𝘧𝘦! 𝘐𝘧 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘯𝘦𝘥, 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘢 𝘮𝘢𝘯 𝘥𝘰? 𝘍𝘪𝘨𝘩𝘵! 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘦 𝘮𝘶𝘴𝘵 𝘥𝘰, 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘸𝘪𝘴𝘦 𝘩𝘦 𝘪𝘴 𝘥𝘪𝘴𝘩𝘰𝘯𝘰𝘳𝘦𝘥. 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘴𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩. 𝘐𝘧 𝘸𝘦 𝘥𝘰 𝘯𝘰𝘵 𝘧𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘢𝘮𝘴 𝘱𝘶𝘴𝘩 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩, 𝘸𝘦 𝘥𝘪𝘦 𝘢𝘯𝘺𝘸𝘢𝘺. 𝘐𝘧 𝘸𝘦 𝘧𝘪𝘨𝘩𝘵, 𝘸𝘦 𝘥𝘪𝘦 𝘩𝘰𝘯𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘺. 𝘛𝘩𝘶𝘴 𝘐 𝘦𝘹𝘩𝘰𝘳𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘭𝘭. 𝘒𝘢𝘺𝘢𝘸!" - 𝘔𝘢𝘤𝘭𝘪-𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘶𝘭𝘢𝘨, 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢 𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧𝘵𝘢𝘪𝘯
***
Sa darating na ika-24 ng Abril ang ika-44 taon ng paggunita sa araw ng kamatayan ni Macli-ing Dulag. Bilang paggunita sa kaniyang buhay, ipinagdiriwang din tuwing ika-24 ng Abril ang Cordillera People's Day na ngayong 2024 ay nasa ika-40 taon na nito.
Si Macli-ing ang pangunahing mukha ng pakikibaka laban sa Chico River Dam Project ng diktadurang Marcos noong dekada '70. Kahit na tinangka siyang suhulan ng pamahalaan---posisyon, pera, babae---hindi niya ito tinanggap, sa halip, ipinagpatuloy niya ang pakikibaka at napag-isa niya ang mga tribo sa Cordillera upang labanan ang mapaminsalang proyekto na magdudulot ng kanilang tiyak na dislokasyon at pagkasira ng kanilang payapang pamumuhay. At noon ngang Abril 24, 1980, pinatay siya ng mga militar ni Marcos. Nagkaroon ng court martial at nakulong si Lt. Leogardo Adalem ng 44th Batallion kasama ng iba pa, ngunit malalaman na lang na ibinalik din sa militar kinalaunan si Adalem. Taong 2000, dalawampung taon matapos ang kamatayan ni Macli-ing, pinatay ng NPA si Adalem bilang pagbibigay ng hustisya kay Macli-ing.
Unang nailathala bilang "Was Macli-ing Killed Because He Damned the Chico Dam?" ang kalakhan ng ulat sa aklat na ito ni Royo noong June 29, 1980 sa Philippine Panorama. Magaan basahin ang reporting ni Doyo at punumpuno ng mga ulat na ngayon ko lang din nalaman. Maganda rin ang suplementong A Peek into Cordilleran History, Culture and Society: In Search of Self-Determination ni Nestor T. Castro. Nakatulong ito para mas maunawaan sa mabilis na paraan ang topograpiya, mamamayan ng Cordillera, at maikling kasaysayan nito.
Mahalaga ang aklat upang paulit-ulit ipaalala ang kuwento ng pakikibaka ni Macli-ing Dulag at ng marami pang nakibaka laban sa diktadura. Dapat manatili silang buhay sa ating mga alaala, lalo na sa panahon ngayon na paulit-ulit pa ring nangyayari ang karahasan ng estado laban sa mamamayan na dapat pinaglilingkuran nito, lalong-lalo na sa mga katutubo. May militarisasyon pa rin sa lupang ninuno na maraming beses nang naging dahilan ng kanilang pagbabakwit at may mga proyektong hindi naman sila ang makikinabang, sa halip makasisira pa nga sa kalikasan at sa kanilang payapang pamumuhay (hal. Kaliwa Dam, Balog-balog Dam, at iba pang proyektong pangkaunlaran daw na iilan lang naman ang makikinabang). Dapat tayong matuto sa aral ng nakaraan upang hindi na ito nauulit pa sa kasalukuyan at maulit pa sa hinaharap. 𝘒𝘢𝘺𝘢𝘸!