Scan barcode
A review by billy_ibarra
Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country by Patricia Evangelista
emotional
reflective
sad
tense
medium-paced
5.0
Maraming puwedeng pag-usapan sa aklat ni Patricia Evangelista. Kung iisa-isahin natin, baka hindi tayo matapos. Pero ang pinakanagustuhan ko rito, may pagsasakonteksto ng mahabang kasaysayan at kultura ng impunidad sa bansa. Maiintindihan mo rin sa pagbabalik-kasaysayan ni Pat kung bakit nanalo si Duterte at kung bakit siya ibinoto ng mga tao.
Ang daming alaalang bumalik habang binabasa ko ang aklat ni Patricia Evangelista. Hopeful pa ako noon kay Duterte, eh. Lalo na noong magbukas siya ng pinto sa usapang pangkapayapaan between GRP and NDF, noong sabihin niyang aalisin niya ang kontraktuwalisasyon dahil hindi ito makatao, noong bumaba pa siya sa MARBAI farmers na nagkakampuhan sa Mendiola para pakinggan sila (ewan ko lang kung narinig nga), noong ilagay niya sa gabinete ang ilan sa Makabayan bloc, at marami pang ibang pabalat-bunga lang pala na bandang huli, wala rin siyang ipinagkaiba sa mga nauna sa kaniya---mas malala pa nga. Bakit hindi agad natin nakitang mas masahol pa si Duterte sa pinagsama-samang mga nakaraang presidente ng Pilipinas? Hindi ko inasahang makikita ko ang ilang Pilipino na pumapalakpak sa mga rape joke ni Duterte, na pupurihin nila si Kamatayan, na ipagwawalang-bahala nila ang patayn, na parang handa silang pumatay maipagtanggol lang si Duterte, na pati mga kaibigan nila ay handa nilang kalimutan para kay Duterte, ang galing talaga ni Tatay, the best president ever. Putangina. Ang daming na-Duterte na in denial pa rin hanggang ngayon.
May 2017, nasa Mindanao ako nang biglang pumutok ang Marawi Siege. Alalang-alala ang kolektib ko kahit malayo ako sa bakbakan. Alalang-alala rin naman ako sa sarili ko lalo noong ibaba ang martial law sa buong Mindanao. Naisip ko, paano kung pag-initan ako? Eh, 'yung mga damit na dala ko noon sa pagkakaalala ko, mga pol shirt: Serve the People, may Ang Tula ay Armas Pandigma pa na may KM64, 'tapos Tagalog pa salita ko (di ako marunong mag-Binisaya o Ilokano). Pero awa ng Diyos, buo akong nakauwi. May takot siyempre, dahil kayang-kaya ng estado na gawin kahit kanino ang gusto nito. Ang dami ngang pinalabas na nanlaban, eh. Paano pa pag nalamang aktibista ka, pinalabas na napatay sa engkuwentro at sasabihing komunista ka? O kaya sabihing nahulihan ka ng .45 at granada sa checkpoint kahit ang tangi mong dala ay mga basang damit dahil galing ka sa swimming sa pinakamalapit na dagat?
Napag-uusapan sa pag-aaral ng kasaysayan ang holocaust at genozide, ang pagkakamali ng sangkatauhan sa nakalipas na dantaon hanggang sa kasalukuyan, alam natin ang naging katapusan ng mga diktador sa mundo. Ngayon, nagkukumahog sa pagtanggi ang nakaraang administrasyon sa kanilang mga kasalanan sa sambayanan sa kabila ng maraming testimonya at ebidensiya. May doubt din ako kung mapananagot ba si Duterte sa kaniyang mga krimen. Nakalaya si Erap sa kasong plunder, nakalaya rin si Gloria, nailibing si Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani, with full military honors pa, so anong hustisya ang naghihintay sa ating bansa? Pero hindi masamang umasa, dahil hindi natin dapat ipagkait ang hustisya sa libo-libong pamilyang naghihintay na makamtan ito.
Wala sa libro ang ilan sa mga sumusunod na sinabi ni Duterte pero nasa balita ito:
"If you destroy my country, I will kill you. If you destroy the youth of this country, I will kill you." - Duterte, 2016
“I said, O sir, if they are there, destroy them also. Especially if they put up a good fight. O ‘pag walang baril, walang – bigyan mo ng baril. Here’s a loaded gun, fight because the mayor said, let’s fight!” - Duterte, December 19, 2016
“Maniwala talaga ako sa pulis sabi lumaban. To serve a warrant is not illegal. It may be improper but you can serve it anywhere, you can ask a lawyer. Kung ano'ng sabihin ng pulis, ano'ng sabihin ng military, 'yun ang sundin ko…Eh, sila 'yung inutusan kong mamatay, eh. So I have to give credence." - Duterte, March 2, 2017
“Eh, ako lang naman ang harap-harap na mag-utos patayin mo 'yang putanginang 'yan. Sino pa ba'ng iba? Kung hindi ko kayang ako na mismong putangina patayin mo 'yan. Pagkatapos lumaban. Pagkatapos lumaban. Dito is pagka lumaban. Ngayon, kung ayaw lumaban, di palabanin mo.” - Duterte, July 12, 2017
“'Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda 'yun. Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce the — what ails this country.” - Duterte, August 16, 2017
Paglimian mo ang bawat sinabi ni Duterte sa nakalipas na mga taon at tingnan ang lipunan. May nagbago ba? Sino ang nakinabang sa mga patayan? Nawala ba ang droga gaya ng ipinangako? O ang moral at pagiging mabuting Pilipino natin ang nawala? Ikaw na ang humusga?
Mairerekomenda ang aklat kahit kanino. Ikaw na lang ang bahala sa magiging epekto nito sa mental health mo pagkatapos mong mabasa. Never kong sisisihin ang mga bumoto kay Duterte, same sa mga bumoto kay Marcos, Jr. Ang akin lang, hindi nagtatapos sa eleksiyon ang bawat laban. Alam naman nating hindi eleksiyon ang solusyon para mabago ang lipunang Pilipino.