Scan barcode
A review by billy_ibarra
Sa Antipolo pa rin ang Antipolo by Abner E. Dormiendo
emotional
sad
fast-paced
5.0
"Antipolo mahal kong bayan
Pinagpala sa yumi at sa 'yong kagandahan." - Mula sa "Antipolo Hymn"
"Kung ang mundo ay Antipolo, gumawa ng bagong Antipolo."
Sa Antipolo ako ipinanganak, namulat, natutong uminom, natutong manigarilyo, na-bully ngunit natutong manapak at manipa, natutong magmahal, natutong masaktan, natutong maghilom, at patuloy na lumaban, kaya damang-dama ko ang koleksiyong ito ni Abner Dormiendo. Pamilyar na pamilyar sa akin ang mga lugar sa Antipolo, maging ang mga taong nakasama ko rito, mula sa Mayamot, sa Cupang, sa Peñafrancia, sa Pagrai, sa Masinag, sa Padilla, sa Boso-Boso, sa overlooking, sa Taktak, sa mga resort, hanggang sa Katedral ng Antipolo. Nasubaybayan ko ang pagbabago ng lungsod kasabay ng pagbabago ng mga taong nakasalamuha ko rito. Tila isang pagbabalik-tanaw ang mga tula sa mga nakaraang di-mabubura ng alak o ng usok ng sigarilyo. Nananakit, kumukutkot sa mga sugat na malapit na sanang maghilom o naghilom na.
Gustong-gusto ko ang paggamit ni Dormiendo rito ng Antipolo bilang imahen sa mga tula. Kilalang-kilala niya ang Antipolo kung paanong kilalang-kilala niya rin ang mga alaalang iniwan nito. Marami pa ring kinakanta ang mga bata tuwing flag ceremony; wala pa rin akong nakikitang estadistika ng pagpapatiwakal; mahimbing pa rin ang isang dambuhala at di alam kung kailan magigising; hindi pa rin ako nakakikita ng puno ng Tipulo; pinababasbasan pa rin sa katedral ang mga bagong biling sasakyan; marami pa rin ditong nagkakabanggaan; marumi pa rin ang politika; mahirap pa rin makasakay; masarap pa rin ang suman, mangga, at kasoy; pamahal nang pamahal ang presyo ng lupa; mas gumulo ang batas-trapiko---maraming nagbago at nanatiling pareho, katulad kung paano tayo umibig at patuloy umiibig.
Hindi lang tungkol sa Antipolo ang aklat; tungkol ito sa alaala ng dating pag-ibig, sa pangungulila, sa mga nasa, sa mga pangarap na hindi n'yo na sabay makukuha. Sa dami ng pag-ibig na dumaan, malilimutan mo ba ang ilang nagbigay sa 'yo ng matinding pagmamahal at kasawian? Mag-iiwan ito ng marka katulad ng isang malaking pilat mula sa di-malilimutang pagkadapa.