Scan barcode
A review by billy_ibarra
Kapag Hindi Landi by Christian Raynera
reflective
fast-paced
4.0
Malayong-malayo ang 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶 ni Christian Raynera sa una niyang aklat na 𝗧𝗲𝗻𝗮𝗻𝘁. Tapat sa pamagat, wala kang makikitang kalandian sa koleksiyong ito.
Sa unang bahagi pa lang ng aklat, ililibot ka na ng makata sa loob ng ospital kung saan naroon ang mga nag-aagaw-buhay, ang sangsang ng alkohol, ang impit na iyak, ang walang tinig na bangkay. Tumatak sa akin sa bahaging ito ang mga linya niyang, 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘨𝘢𝘯𝘰'𝘯? 𝘔𝘢𝘺 𝘶𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 / 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘴𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯.
Dahil hindi inihihiwalay ng makata ang sarili sa kaniyang lipunan, malay siya sa kung ano ang laganap nang nangyayari sa kaniyang bayan. Sa tulang "Kung Maaari Lang", ibinabalik tayo ni CJ sa paalala ng ating mga magulang na huwag magtira ng kanin, at iiwanan niya tayo ng mga linyang, 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 / 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘯𝘪 / 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢-𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 / 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨-𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢.
O sa kaniyang tulang "Nagiging Pusa ang mga Commuter Kapag Rush Hour" na danas ng marami sa atin sa araw-araw:
𝘕𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘵𝘦𝘳 / 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘩𝘰𝘶𝘳 / 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 / 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘰𝘴 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 / 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 / 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯.
Dulot naman siguro ng pagkabanas sa mga Marcos Loyalist at tagasuporta ng mga Duterte ang nagtulak sa makata na isulat ang mga sumusunod na linya sa "Ang Kapal ng Mukha Mong Batiin ang mga Bayani":
𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢 𝘮𝘰𝘯𝘨 / 𝘣𝘢𝘵𝘪𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘪 / 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘮𝘰 𝘳𝘪𝘯 / 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘬𝘴𝘪𝘭.
Marami pang pinaksa si Christian Raynera sa koleksiyong ito---may mga tula siya tungkol sa pagsusulat; litaw rin ang pagpapakita niya ng pagmamahal at awa, sa mga alagang hayop man o sa mga daga na itinuturing na peste; sa buhay at kamatayan; sa mga isyung panlipunan. Ganito tumula si CJ kapag hindi landi ang tema. Kung gusto n'yo malaman kung paano kaya pag landi, hintayin n'yong maglabas siya ng panibagong koleksiyon o bisitahin n'yo na lang ang Facebook profile niya, haha.