You need to sign in or sign up before continuing.
Scan barcode
A review by billy_ibarra
Agua by Enrique Villasis
informative
reflective
medium-paced
5.0
Hindi ko natutuhan ang paglangoy kahit na may batis at ilog naman sa Antipolo, o kahit na umuuwi naman ako sa Gensan at Sarangani na napalilibutan ng naggagandahang karagatan. Hindi rin ako pamilyar sa maraming nilalang sa dagat. Ang alam ko lang, gusto ko ang kapayapaang inihahatid ng dagat sa init ng tag-araw. Ngunit sa pagbabasa ng "Agua" ni Enrique S. Villasis, natuto akong kilalanin ang mga di-pamilyar sa akin. Nasisid ko ang lalim ng dagat, nalangoy ang mapanganib na ilog, at muling umahon sa pampang ng kaniyang mga tula. Inabot ako ng isang buwan sa pamamalakaya upang mahuli ang mga talinghaga ni En. Sa pamamalakayang iyon, marami akong natutuhan at mas nakilala ko pa ang dagat, ang ilog, at ang mga nilalang na nasa pusod nito. Sa ganang akin, mairerekomenda bilang isa sa pinakamagandang koleksiyon ng tula na nagawa.
PS.
Paborito ko sa koleksiyong ito ang ikatlong bahagi, ang "Buwaya."
PS.
Paborito ko sa koleksiyong ito ang ikatlong bahagi, ang "Buwaya."