Scan barcode
A review by billy_ibarra
Banayad: Mga Tula by Rowena P. Festin
emotional
fast-paced
4.5
Nagkataong umuulan sa oras na 'to matapos kong magbasa. Saktong-sakto itong isa sa kay raming tula sa aklat tungkol sa ulan.
"Kapag Ganitong Umuulan
Masarap pumayag
Sa hatak ng kama
Lalo at bagong palit
Ang punda ng unan
Nakalatag ang kumot
Na bagong plantsa
At alam kong darating ka
Mamayang hatinggabi
Sa aking panaginip."
Sadyang banayad ang mga tulang nakapaloob sa aklat: Hindi nagpapatumpik-tumpik sa nais sabihin, magaan ang wika, at hindi kailangan ng mga talinghagang pahihirapan ka pang intindihin. Ihahatid ka ng aklat sa isang umaga na kagigising mo lang, o sa isang tanghaling tirik ang araw, hindi naman kaya'y sa ramdam mong pag-iisa tuwing gabi, hanggang sa malalayong alaala na bigla na lang magbabalik. Marami pang paksa ang nakapaloob sa koleksiyon kahit na binubuo lang ito ng 108 pahina. Mayroon mga tula na nagpapakita ng paghulagpos ng kababaihan sa konserbatismo at macho-pyudal na kultura, sa pagiging isang ina (o sa naudlot na pagka-ina), hanggang sa pagtanda at kamatayan. Kung may iniwan man sa akin ang aklat, siguro 'yun e 'yung matuto akong magsulat ng maikling tula at maging epektibo pa rin, haha.