A review by billy_ibarra
Oo Lang Hanggang Bukas by Lualhati Bautista

funny lighthearted fast-paced

2.0

Kuwento ng shotgun wedding na akala trip-trip lang ang kasal, 'yon pala totohanan talaga. Lagi kasing iniaasar sa isa't isa sina Angie at Mark, mula sa kanilang sirkulo ng magkakaibigan hanggang sa kinakainan nilang karinderya. Sumasakay rin naman si Angie sa biruan. Ang problema lang, may boyfriend si Angie---si Rene na isang cartoonist na hindi siya masyadong pinahahalagahan.

Sa kinakainang karinderya nina Angie, mayroong nagtatrabaho sa munisipyo na tinutukso rin sila ni Mark. Minsan, nagpamigay ito ng marriage contract sa lahat. Ang gagang si Angie, nag-fill-up din, akala nga joke-joke lang. Hanggang sa nai-file ang marriage contract at naikasal sila ni Mark isang gabi, kasabay ng kasal ng mga kaibigan nilang sina Lucy at Charlie. Akala ni Angie trip-trip pa rin kahit pinipigilan siya ni Mark. Parang si Angie pa ang namilit na makasal sila. Ilang ulit nang sinabi sa kaniya nina Lucy at Charlie na totohanan 'yon ngunit dahil maraming nainom, hindi naniwala si Angie. Nahimasmasan lang siya sa mga sumunod na araw at nawindang nang mag-sink in sa kaniya na totoo pala ang lahat. Nag-file siya ng annulment, nalaman ni Rene na kasal na siya, nagkahiwalay sila, habang anga-anga pa rin silang dalawa ni Mark na naghihintayan. Nagkaroon din ng ibang kasintahan si Mark at noong matalo ang ifinile na nullity of marrige ni Angie, siya naman ang nag-file ng legal separation kahit hindi naman sila nagsama ni Angie sa iisang bubong kahit minsan.

Ipinapakita sa nobela ang kahalagahan ng kasal. Gaya nga sa kasabihan, ang pag-aasawa ay di tulad ng kaning isusubo na iluluwa pag napaso ka. Sagrado ito, at hindi ito basta-basta mapawawalang-bisa lalo na't walang mabigat na dahilan, lalo na rito sa Pilipinas na wala pa ring diborsiyo. Hangga't maaari, pag-aayusin ng korte ang mag-asawa kung nakikita nilang maaayos pa ang kasal nila. At kung may diborsiyo man, sa tingin ko olats pa rin talaga si Angie. Tanga-tanga kasi sila pareho ni Mark. Pero hayaan n'yo na, sa cliffhanger naman, magsasama na silang dalawa kasi na-realize ni Angie na bigyan ng chance ang sarili niya kay Mark, at nagkahiwalay na rin sina Mark at nobya niya dahil nalamang kasal siya. Saka mahal din naman talaga siya ni Mark. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa dalawang tauhan, haha. 

Bago pa may maligaw ng pagbasa, sang-ayon ako sa diborsiyo. May mga pagsasama na hindi kayang solusyunan ng kahit anong paniniwala.