Scan barcode
A review by billy_ibarra
Man Tiger by Eka Kurniawan
adventurous
reflective
medium-paced
5.0
Kuwento ng isang ordinaryong kabataan si Margio at ng kaniyang pamilya sa isang di-pinangalanang maliit na bayan sa Indonesia. Nagustuhan ko ang panghihiram (o paghango) ni Eka ng alamat tungkol sa mga mahiwagang lalaking tigre na pumoprotekta sa mabubuting pamayanan o pamilya. Ayon kay Benedict Anderson, sa alamat na ito, nananahan ang mga tigreng ito sa kagubatan. At sa kuwentong ito ni Eka, babae ang tigre, kulay puti, at nananahan sa kaloob-looban ni Margio. Makagagawa ng isang karumal-dumal na krimen si Margio at ang itinuturo niyang salarin ay ang babaeng tigre na ito na nananahan sa kalooban niya.
Sa pagbabasa ng istorya, maraming mabubuksang kuwento tungkol sa kung paano humantong sa ganoong krimen si Margio, na siguro ay hindi ko na lang sasabihin para sa mga mambabasa sa hinaharap. Nagustuhan ko ang nobela, na parang nasa isang probinsiya ka lang din sa Pilipinas, sa isang nayon na halos magkakakilala ang lahat, nagtutulungan sa gitna ng mga trahedya, nagsasalo sa pighati at ligaya ng bawat isa, walang maitatagong baho at halimuyak. Tiyak na bibili ako ng iba pang nobela ni Eka at babasahin ito sa susunod.