Scan barcode
A review by billy_ibarra
Ang Nawawalang Barangay by Chuckberry J. Pascual
funny
mysterious
medium-paced
4.5
Ang daming ipinapaalala ng Ang Nawawalang Barangay: mga taong bigla na lang nawala; mga taong nawawala sa sarili dahil sa hungkag na pananampalataya; mga nasa kapangyarihan na mga walang-awa; at mga taong handang hanapin ang mga nawawala. Kahit napakaseryoso ng usapin sa aklat, nagawa ako nitong patawanin nang ilang ulit (panalo lagi ang hirit ni Bree, ang imbestigador ng Talong Punay, ang bakla ng laging saklolo; pati na rin ang mga karakter na sina Benjie, Rene, at Mamita). Ngunit ang higit na importante, nagawa nitong pati ako ay paghanapin, huwag tumigil hanggang sa makita ko rin ang hinahanap, at hindi lang basta maghintay sa isang sulok at titigan ang unti-unting paglalaho ng usok.
Napapanahon ang nobelang ito ni Chuckberry Pascual. Malapit na ang eleksiyon, tingnan n'yo kung sino-sino ang may malaking interes sa inyong mga lugar. Kung sino ang higit na makikinabang diyan kumpara sa mamamayan (may malaki at kuwestiyonableng negosyong pinoprotektahan, halimbawa), malamang ang suportahan n'on eh 'yung tumatakbo na may kapareho niya ng kaliskis. Nasa nobela 'yan. (Tama 'yung basa ng isa naming ka-PRPB---may awra si Donya Mary Juliet na parang 'yung chakang senadora na matakaw sa lupa.) Mayroon ding tumatakbo sa pagkasenador ngayon na lider ng kulto, itago natin siya sa alyas na "Appointed Son of God" (pwe!). Sa kuwento, maihahalintulad siya kay Baby Gerl na lider ng Swalla (bagama't mahilig lang mag-drag at mag-rap si Baby Gerl, pero walang kaso ng child sex trafficking, di tulad nung isang pastor diyan na nasa Pasig City Jail). Mayroon ding usapin ng sapilitang pagkawala sa nobela (desaparecidos ang mga magulang ni Bree), kaya ganoon na lang ang concern niya na mahanap ang mga nawawala. Dahil alam niya ang pakiramdam na mawalan, na hindi niya tiyak kung babalik pa ba o wala na talaga ang mga ito.
Sa huli't huli, talaga nga namang #blessedbythebes tayo na naisulat ang Ang Nawawalang Barangay ni Chuckberry J. Pascual. Kung may kasunod pa ang pakikipagsapalaran ni Bree, abangan na lang natin.