A review by billy_ibarra
Sonata by Lualhati Bautista

5.0

Ito ang ayaw ko kay Ma'am Lualhati Bautista , eh. Patawa-tawa ka muna 'tapos biglang may pakurot-kurot sa puso hanggang sa iwan kang wasak.

Tungkol sa amang musikero at sa paborito niyang anak na later on ay naging manunulat; tungkol sa pamilya. Mabilis lang basahin ang nobela kahit makapal sa unang tingin at magaan ang gamit ng wika.

Nandito yung mga usaping pampamilya na hindi napag-uusapan o piniling hindi na pag-usapan, mga sama ng loob at tampo ng anak sa magulang. Siyempre hindi mawawala ang tindig ni Lualhati Bautista sa usapin ng kababaihan. Ang gusto ko rin dito ay ang character development ni Kathleen (pangunahing tauhan sa kuwento) bilang isang manunulat; mula sa manunulat na papasa-pasa sa magazine ng maikling kuwento, pagtalon sa pagsusulat ng romance novel (pocketbooks), sa telebisyon, hanggang sa paggawa ng landas sa pagkamanunulat.

Ipinagpapasalamat ko na lang din na mula nang mabili namin ito sa Anvil warehouse noong 2018, ngayon ko lang binasa, haha. Iniisip ko kung si Aling Rosa (Sumakay Tayo sa Buwan, 1994) ang lukalukang kinatatakutan ni Kathleen noong bata pa siya pero sigurado akong ang kuwentong nagpanalo kay Kathleen ay ang Ang Pag-ibig ay Isang Tula (Bayan Ko, 2019). May crossover, haha.

P.S.
Masamang isabay ang pagbabasa nito kapag umuulan sa labas.