A review by aidrielle
Si Amapola sa 65 na Kabanata by Ricky Lee

2.0

shuta natapos ko na rin sa wakas

naeenjoy ko pa siya nung una. nakakatawa at nakakatuwa yung writing ni ricky lee, at kuntento lang akong sundan si amapola sa mga adventures niya. kaso sa bandang gitna, pagulo na nang pagulo yung kwento. itong librong 'to, para siyang limang magkakaibang kwento na pilit pinagtagpi-tagpi para gumawa ng isang kwento. nakakalito basahin, lalo na't sobrang dalas magpalit ng POV, 'di lang sa pagitan ng iba-ibang karakter kundi sa pagitan din ng first person, third person, at maging second person.

ewan naguluhan lang talaga ako. tingin ko masyadong ambitious 'tong libro. sa bandang dulo rin sobrang urat na urat na ako basahin, binabasa ko na lang para matapos na :( masyadong madaming nangyari, literal na nakakawindang, tas yung ending ganon lang???? nakakaloka.
gusto ko yung attempts sa sociopolitical commentary, kaso 'di masyadong na-flesh out. problematic din ang gender politics ng libro.

hay. ricky lee this aint it T___T sayang kasi gustong gusto ko pa naman yung iba niyang mga libro. oh well.