Scan barcode
A review by billy_ibarra
Hugot sa sinapupunan by Lualhati Bautista
informative
reflective
medium-paced
5.0
"Ang babae ang may-ari ng katawan niya, siya lang ang dapat magpasya ng gusto niyang gawin dito dahil siya at siya lang ang nakakaalam kung ano'ng pinakamabuti para sa kanyang sarili. Hindi ang asawa niya, hindi ang tatay niya. Ang lalaki kadalasan, biktima ng paniwala na siya lang ang dapat masunod pati sa katawan ng babae. Hindi tama iyon."
---
Isa sa maituturing na progresibong akda ni Lualhati Bautista na tumatalakay sa abortion. Magsisimula ang kuwento sa pangamba ni Angeli na buntis na naman siya sa ika-anim na pagkakataon. Lima na ang anak nila ng asawa niyang si Ernesto at pawang mga babae ito. Sa kagustuhang magkaanak na lalaki, nagbuntis uli si Angeli sa ika-anim sana nilang anak na ipinalaglag niya.
Maraming domestikong paksa ang kuwento. Nakapaloob din dito ang mga kinahaharap na problema ng isang panganay na anak sa lipunang mayroon tayo. Ilan ba sa mga panganay na kakilala n'yo ang ninakawan ng kabataan dahil kailangan nilang mag-alaga ng nakababata nilang kapatid? Mga panganay na hindi naranasang maging bata dahil pasan na ang pagiging magulang kahit hindi naman nila ito ginusto. Bukod rito, kuwento rin ito ng mga magulang at ng kanilang mga bata pang anak. Ano ang mangyayari kung maiiwang mag-isa ang lalaki sa bahay kasama ang lima niyang anak? Malalaman niya kaya kung gaano kahirap maging isang ina?
Marami pang paksa ang nabuksan sa 125 pahinang aklat na ito: bulok na health care system, pagsasamantala ng mga agency sa mga manggagawa, machismo, at kahirapan. Sisksik ngunit deretso ang pagtalakay sa paksa na parang nakikipagkuwentuhan ka lang sa may-akda.
May kurot din sa puso at nakakatawa ang ilang eksena sa kuwento. Nariyang matatawa ka sa away-mag-asawa at maluluha sa ilang makabagbag-damdaming tagpo ng magulang sa anak. Matapang din ang pagpapahayag ni Bautista bilang isang babaeng may katawang kilalang-kilala niya---ang katawan ng isang babae na kailanma'y hindi maiintindihan naming mga lalaki.