Scan barcode
A review by aidrielle
Ang Nawawala by Chuckberry J. Pascual
4.0
bet ko yung pasimpleng sociopolitical commentary ng librong 'to, ang natural lang at hindi pinilit para lang magkaro'n ng makabuluhang mensahe yung libro. ta's 'di ko rin ineexpect na nakakatawa pala siya???? ilang beses akong natawa out loud, na bihirang mangyari 'pag nagbabasa ako ng mga libro. na-enjoy ko ang worldbuilding ni chuckberry pascual sa barangay talong punay, puno ng mga stereotypical na karakter pero nakakatuwang basahin. madalas 'di ko naeenjoy mga short story anthologies kemerut pero naenjoy ko 'to!! kaso nga lang minsan (semi madalas), ang anticlimactic ng mga ending, o 'di kaya naman 'di ko masyadong maintindihan.